MANILA, Philippines - Siyam na personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na sangkot sa Bataan jail incident ang sinibak na sa kanilang mga puwesto kahapon.
Ito ang nabatid kay Jail Senior Insp. Roberto Gotico, offier in charge ng Community Relation Service ng BJMP, alin sunod anya sa kautusan ni BJMP director General Rosendo Dial matapos na irekomenda ng Directorate for Investigation and Prosecution ang pagtatanggal at pagsasampa ng kaso laban sa mga nagkamaling tauhan.
Ang mga sinibak na opisyal ay kinilalang sina J/Senior Insp Junteddy G. Madria; J/Insp. Jose Ariel R. Santos; SJO4 Oliver T. Baraero; SJO2 Richard S. Balinagay; SJO1 Florante Evangelista; JO1 Jefferson S. Damokling; JO1 Jun E. Alunday;JO1 Louie A. Quejado; at JO1 Alberto A. Agpad Jr.
Giit ni Dial, ang mga personnel ay naharap sa conduct grossly prejudicial sa best interest ng mga serbisyong ibinigay sa ilalim ng 2007 revised BJMP Manual.