^

Metro

Oplan Undas ikinasa: 1,800 enforcers ikakalat

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nasa 1,800 traffic enforcers  ang sisimulan nang i-deploy ng Metropolitan Manila  Development Authority (MMDA) sa buong Kalakhang Maynila  para magmantina ng daloy ng trapiko sa araw ng Undas.

Sinabi ni Emerson Carlos, Director ng Traffic and Transport Management Office (TTMO), mag­tatalaga rin sila ng mga enforcers sa mga lan­sangang malapit sa mga bus terminal dahil sa ina­asahang pagdagsa ng mga pasa­herong magtutu­ngo sa kani-kanilang lalawigan.

Pansamantalang iti­nalaga  si Carlos bilang officer-in-charge (OIC) ng MMDA matapos magtungo sa Jakarta, Indonesia si Chairman Francis Tolen­tino upang dumalo sa 1st ASEAN Meeting for Gover­nors and Mayors.

Nabatid pa kay Carlos na kabilang sa mga pangu­nahing lansangan na tutu­tukan ng kanilang mga traffic enforcers ang mga daan patungo sa North Ce­metery, La Loma at Chinese Cemetery sa May­nila, Manila at Loyola Memorial Park sa Parañaque, Holy Cross Memorial Park, Himlayang Pilipino at Eternal Park sa Quezon City at Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Tiniyak naman ni Carlos na hindi magka­karoon ng kalituhan sa pag­mi­mintina ng trapiko ngayong Undas dahil nakipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng PNP at mga local official upang maging maayos ang daloy ng trapiko, lalu na sa mga lungsod na nagpapatupad  ng traffic rerouting tulad ng Makati City.

Nanawagan din ang OIC ng MMDA sa publiko na makiisa at suportahan ang inilatag na Oplan Undas na hindi lamang nag­lalayon na maging maayos ang daloy ng mga sasakyan kundi mabigyan din ng protek­ siyon at segu­ridad ang libu-libong da­dagsa sa mga semen­teryo na dadalaw sa puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

CHAIRMAN FRANCIS TOLEN

CHINESE CEMETERY

DEVELOPMENT AUTHORITY

EMERSON CARLOS

ETERNAL PARK

HIMLAYANG PILIPINO

HOLY CROSS MEMORIAL PARK

LOYOLA MEMORIAL PARK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with