^

Metro

3 Indian nationals timbog ng BI

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Tatlong Indian nationals ang naaresto ng mga ahente ng  Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagtatangkang pumasok sa bansa gamit ang pekeng entry visas sa daungan ng Zamboanga.

Ayon kay BI Officer in Charge Ronaldo Ledesma ang nasabing mga indian nationals ay biktima ng human trafficking syndicate matapos silang pangakuan na dadalhin sila sa Estados Unidos.

Kinilala ang mga na­aresto na sina Davinder Singh, Amritpal Singh Sidhu at Baldev Singh at kasalukuyang nakapiit sa Immigration jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang hini­hintay ang kanilang deportation kasabay ng paglalagay sa immigration blacklist upang hindi na sila makapasok pa sa Pilipinas.

Ang tatlo ay naharang ng mga immigration of­ficers sa Zamboanga City noong Oktubre 16 matapos na bumaba mula sa M/V Kristel Jane galing sa daungan ng Sandakan, Sabah, Malaysia.

Nakuha mula sa tatlo ang pekeng visa na ina­akala nila ay mga genuine visa, kasabay nito inamin din ng tatlo na ang nag- ayos ng kanilang biyahe sa bansa ay sindikato ng human trafficking matapos silang pangakuan ng mga ito na magtutungo din sila sa Estados Unidos ma­tapos na maglakbay sa Malaysia  at Pilipinas kasabay ng pagbabayad ng umaabot sa halos kalaha­ting milyon piso.

AMRITPAL SINGH SIDHU

BALDEV SINGH

BUREAU OF IMMIGRATION

CAMP BAGONG DIWA

CHARGE RONALDO LEDESMA

DAVINDER SINGH

ESTADOS UNIDOS

PILIPINAS

TATLONG INDIAN

V KRISTEL JANE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with