^

Metro

Bangkay ng babae sa drum natagpuan sa Caloocan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dahil sa umaalingasaw na mabahong amoy, nadiskubre ang bangkay ng hindi pa naki­kilalang babae na naka­silid sa isang drum sa likod ng bahay ng isang tauhan ng Phil. Air Force sa Caloocan City, ka­ma­kailan.

Sa report na nakarating sa tanggapan ng Station Investi­gation Division (SID) ng Ca­loocan City Police, ang bik­tima na hanggang sa kasalu­kuyan ay hindi pa rin naki­kilala ay inilarawan lamang na nasa gulang na 40 hanggang 45-anyos, may taas na 5’2’’, ka­yumanggi, malusog ang pa­ngangatawan, nakasuot ng white knitted cardigan at green na Abercrombie t-shirt.

Base sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakasilid sa drum sa likod ng bahay ni M/Sgt. Nestor Duran Agcaoili, nakatalaga sa Com­munication Electronics and In­formation System Service ng PAF sa Block 25-C, Lot 16, Ha­gonoy St., Dela Costa Homes II Subdivision, Brgy. 179 ng nasabing lungsod.

Patuloy namang nagsasa­gawa ng masusing imbesti­gas­­yon ang mga awtoridad upang matukoy kung sino ang may kagagawan sa karumal-dumal na pagpatay.

Natuklasan lamang ito ma­karaang magreklamo ang mga residente sa lugar tung­kol sa umaalingasaw na ma­bahong amoy kung kaya hina­nap nila ang pinagmumulan.

 Nagulantang ang mga ito nang tumambad sa kanila ang drum kung saan naka­ silid ang kalahating katawan ng bik­tima.

Agad na ipinaalam ng mga ito sa mga awtoridad ang natagpuang bangkay at base na rin sa isinagawang pagsisi­yasat ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ng North­ern Police District (NPD), may ilang araw nang patay ang biktima bago ito natagpaun ng mga residente.

Hanggang sa kasalukuyan  ay patuloy ang isinasaga­wang imbestigasyon sa kaso.

AIR FORCE

CALOOCAN CITY

CITY POLICE

DELA COSTA HOMES

ELECTRONICS AND IN

NESTOR DURAN AGCAOILI

POLICE DISTRICT

SCENE OF THE CRIME OPERATION

SHY

STATION INVESTI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with