^

Metro

Naburyong dahil sa paulit-ulit na paghuli: Traffic enforcer sinagasaan ng inaarestong driver

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang traffic enforcer ang nasawi makaraang sadyaing sagasaan ng isang jeepney driver na kanya na naman uma­nong pinapara para ares­tuhing muli sa paglabag sa batas trapiko sa lung­sod Quezon kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Louie-ly Castillo, 32, na­ka­destino sa Nova Dis­trict Center at residente sa Sitio Looban, Brgy. Kaligayahan sa lungsod.

Arestado naman ang suspect na si Rolando Aquino, 38, ng Phase 6, Banaba St., Camarin Ca­loocan City.

Ayon kay PO2 Loreto Tigno ng Criminal Investi­gation and Detection Unit ng QCPD, masyado na umanong nabuwisit ang suspect sa biktima dahil halos apat na ulit na umano siyang hinuhuli nito at naglalagay lamang para makawala.

Naganap ang insi­dente sa Quirino High­way, Brgy. Sta Monica ganap na alas-6:30 ng umaga.

Diumano, sakay ng kanyang pinapasadang jeepney (NXD-977) ang suspect at tinatahak ang lugar nang biglang su­mul­pot ang biktima at muli siyang pinapara.

Dahil muli na namang huhulihin ang suspect sa paglabag sa loading at unloading, naburyong ito kung saan sa halip na hu­minto ay sinagasaan na lang niya ang biktima sanhi upang tumilapon ito at malasog ang katawan.

Nagawa pang ma­itakbo ng mga nagmala­sakit na mamamayan ang biktima sa Nova General hospital ngunit idineklara din itong patay ganap na alas-8:45 ng umaga.

Agad namang hinabol ng taumbayan ang sus­pect saka pinagtulu­ngang gulpihin bago tulu­yang isuko sa mga awtoridad.

Nakapiit ngayon ang suspect sa himpilan ng CIDU habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

BANABA ST.

BRGY

CAMARIN CA

CRIMINAL INVESTI

DETECTION UNIT

LORETO TIGNO

NOVA DIS

NOVA GENERAL

QUIRINO HIGH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with