^

Metro

Manager ng punerarya utas sa riding in tandem

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 37-anyos na operation manager ng Arcangel Funeral Homes, matapos na barilin na agad nitong ikinamatay, kahapon ng umaga sa  Sampaloc, Maynila.

Nagtamo ng bala ng baril sa mukha, tenga at dibdib ang biktimang si Wilfredo Es­tian­dan, ng Blk 51, L 3 Heritage Homes, Mey­cuayan, Bulacan.

Sa inisyal na ulat ni SPO3 Dennis Javier ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insi­dente dakong alas-10:00 ng umaga sa harap ng burger stand sa V. Cruz , Sampaloc, Maynila.

Ayon sa pulisya, posib­leng nagpanggap na mag­pa­paserbisyo ng patay mula sa Qatar, na lingid sa ka­alaman ng biktima ay mga hired killers.

Naging kapuna-puna din umano ang pagpunta ka­makalawa ng umaga ng dakong alas-7:00 ng isa sa suspect na nasa edad na 20 hanggang 25, may taas na 5’7 hanggang 5’8, at nag-inquire muna umano para sa serbisyo ng kaanak na patay mula sa bansang Qatar. Kinagabihan ay muling du­mating ang suspect sa pune­rarya at umalis.

Dakong 9:30 ng umaga ng bumalik ang suspect ka­ sama ang isa pa.

Pinagmeryenda pa ng biktima ang mga suspect at saka sabay-sabay na su­makay ng motorsiklo.

Bago pa  man uman­dar ang motorsiklo, ay big­lang may umalingawngaw na mga putok at nakita ng isang Raymart Taluban ang pag­bagsak ng biktima  mula sa motorsiklo.

Matapos iyon ay isinukbit umano ng suspect ang baril sa beywang bago tuluyang tumakas papuntang España.

Ang nasabing punerarya ay isa sa awtorisado ng MPD-Homicide na magser­bisyo sa mga namamatay na taga-Maynila.

vuukle comment

ARCANGEL FUNERAL HOMES

AYON

DENNIS JAVIER

HERITAGE HOMES

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RAYMART TALUBAN

SHY

WILFREDO ES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with