Tsinoy nagsuicide

MANILA, Philippines - Isang Tsinoy ang nag­paka­matay sa pamama­ gitan ng pagtalon mula sa ika-anim na palapag ng isang hotel sa Maynila kahapon.

Binawian din ng buhay sa Jose Abad Santos Mother and Child Hospital ang biktimang si Samson Huang, 35, na nagtamo ng mga pin­sala sa ulo at katawan.

Sa ulat ni SPO2 Benito Cabatbat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:00 ng hapon nang itawag sa Homicide Section ng City Security Force (CSF) na si Maximo Tuazon ang pagdedek­larang patay na ang biktima sa nabanggit na ospital.

Nabatid na isang kuliglig driver na si Rey John Ra­moran lamang umano ang nagdala sa nasabing paga­mutan sa biktima matapos itong makitang bumulusok mula sa ika-6 na palapag ng Paradis Hotel, na matatag­puan sa malapit sa panulu­kan ng Carriedo St., Sta Cruz, Maynila, at dating Good Earth Emporium Bldg.

Nabatid na nag-check-out ang biktima sa nasabing hotel at nadiskubre na na­laglag ito sa gusali. Nang beripikahin, umakyat uma­no ang biktima sa roof top ng hotel at ginamit niya ang lubid na ginagamit ng mga hotel personnel  sa pagli­linis ng bintana para ma­kaakyat.

Narekober mula sa bik­tima ang isang kulay brown na bag na  naglalaman ng kanyang mga personal na kagamitan na kinabibi­langan ng cellphone, dri­ver’s license, rubber shoes, cell­phone charger, 2 lighter at isang botelya na nagla­laman ng limang piraso ng kulay dilaw na gamot.

Wala pa umanong ka­anak ang biktima na lumu­lutang sa pulisya.

Show comments