Puganteng Kano timbog ng BI

MANILA, Philippines –  Isinuko na ng Bureau of Immigration (BI)-Interpol unit sa US Federal Bureau of In­vestigation ang isang pugan­teng Amerikano na may mga kasong pandaraya sa Es­tados Unidos.

Kinilala ni Immigration officer-in-charge Ronaldo Ledesma ang pugante na si Roberto Nicole, 59, na naka­pagtago sa bansa sa loob ng halos dalawang taon habang expired na ang tourist visa nito bago siya maaresto.

Sinabi pa ni Ledesma na dapat na maging babala ang pagkakaaresto kay Nicole sa lahat ng puganteng nagtatago sa bansa na hindi mahahanap din ng BI ang kanilang lokas­yon upang maaresto sila kaya’t hindi pa rin sila ligtas na magtago sa Pilpinas.

Personal na sinamahan si Nicol patungong US ni BI Interpol Executive Officer Rommel Tacorda sakay  ng Philippine Airlines at isinuko kay US Postal Inspector Cesar Cercenedo nang du­ma­ting ito sa Los Angeles International airport ayon kay BI Intelligence Division chief at Interpol supervisor Faisal Hussin.

Si Nicole ay mayroong outstanding warrant of arrest sa district court sa Florida noong October 21,2008 dahil sa kasong consipiracy to commit wire fraud.

Show comments