^

Metro

Car park ng mall pinasabugan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nabulabog at matinding takot ang naramdaman ng mga shopper ng isang shopping mall matapos pasabugan ng isa sa mga kawani ang car park nito na nagalit nang tumangging magbigay ng pera ang pamu­nuan ng naturang establisimi­yento kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Valenzuela City Police ang itinuturong suspek sa pagpapasabog na si Jasper Cortez, 22, merchan­diser ng mall at residente ng   Brgy.  Gen. T. de Leon, Valen­zuela City .

Base sa nakalap na impor­masyon sa Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela City Police, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang pag­sabog sa carpark ng mall na matatagpuan sa kahabaan ng MacArthur Highway ng na­sabing lungsod.

Nabatid sa pulisya,  bago ang insidente ay isang hindi nagpakilalang lalaki ang tuma­wag sa pamunuan ng mall kung saan ay nanghihingi umano ito ng P20 milyon.

Sinabi pa umano ng caller na pasasabugin niya ang mall sakaling hindi magbigay ng pera ang pamunuan ng natu­rang department store.

Dahil dito, agad na nanghi­ngi ng tulong sa pulisya ang pamunuan ng establisimento kung saan ay nagpanggap na chief security ang hepe ng SID na si Chief Insp. Danilo Bugay.

Nakausap umano ni Bugay ang suspek sa pamamagitan ng text kung saan ay nakalagay sa ipinadalang mensahe ng pulis ang mga katagang “Ano po ba talaga gusto nyo, nakalaan po kami sumunod sa gusto nyo. D2 na po pera nakalagay sa box.”

Nang hindi umano nakuha ng suspek ang perang hinihingi ay naglagay ito ng pampasabog na gawa sa pulbura ng paputok sa isang  owner type jeep (CJC-629) na nakaparada sa carpark.

Sa naging salaysay pa ng mga security guard sa pulisya, nang marinig nila ang pagsabog ay agad na nagtungo ang mga ito sa carpark kung saan ay ina­butan pa ng mga ito ang suspek.

Agad namang kinuwestiyon ng mga security guard ang suspek ngunit sinabi nito na nakita niyang may tatlong lalaki ang naglagay ng pampasabog sa naturang sasakyan ngunit nang kinukuha na nila itong tes­tigo ay marami na ang naging dahilan ni Cortez.

Dahil dito, naghinala ang mga security guard kaya’t pinilit nilang isama sa himpilan ng pu­lisya ang suspek at nang nasa presinto na ito ay nakita sa inbox ng cellphone nito ang mga text message ni Bugay kaya’t agad itong inaresto upang sampahan ng kaukulang kaso.

Nabatid pa sa mga awtori­dad, bago ang pagsabog ay isang dummy bomb din ang nakuha sa men’s comfort room ng mall na pinaghihinalaan ding galing sa nanghihingi ng perang suspek.

Wala namang nasugatan sa nabanggit na insidente.

vuukle comment

BUGAY

CHIEF INSP

DAHIL

DANILO BUGAY

JASPER CORTEZ

NABATID

SHY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with