^

Metro

BJMP handa na sa pagboto ng mga preso

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Handa na ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa maga­ganap na pagboto ng mahigit sa 26 na libong preso sa maga­ganap na Barangay at Sang­guniang Elections sa Lunes.

Ayon kay Senior Supt. Ro­sendo Dial, director ng BJMP, kasado na ang ipapatupad nilang seguridad sa buong bi­langguan laban sa mga pre­song magtatangkang mang­gulo at tumakas sa pagsapit ng halalan.

“Sa ganitong pagkakataon, we are serious in terms of secu­rity” sabi  ni Dial, sa isang press conference na ginawa sa main office sa Mindanao Avenue.

Sinasabing may kabuuang 25,431 preso sa may 61,000 preso nationwide ang naka­pag­pa­rehistro para makaboto sa halalan sa Lunes, na ayon kay Dial ay wala namang ma­giging problema dahil mis­mong sa loob ng piitan sila boboto.

Samantala, 137 mula sa 432 piitan na binabantayan ng BJMP ang hindi nakapag-conduct ng registrations sa mga kadahilanan.

Sabi ni Dial, hindi nabisita ng local comelec ang ilang piitan sa pagsisimula ng regis­tration dahil sa kakapusan ng Comelec officials.

Matatanggap naman ng BJMP ang resolutions sa Comelec sa pangunguna ni Atty. Tony Villasor para mabi­ big­yan ng karapatan ang mga preso para makilahok sa elections.

Nakasaad sa resolusyon ang guidelines sa pagboto lalo na ang hindi marunong bu­masa at hindi marunong sumulat.

Umaasa naman si Dial na malaki ang turn-out of votes ng mga preso pagsapit ng na­sabing araw.

AYON

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

COMELEC

HANDA

MATATANGGAP

MINDANAO AVENUE

NAKASAAD

SENIOR SUPT

SHY

TONY VILLASOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with