39 naitalang nasawi sa dengue sa QC
MANILA, Philippines - Umaabot na sa 39 na katao ang namatay dahil sa dengue sa Quezon City mula Enero hanggang Oktubre ng taong kasalukuyan.
Sinabi ni Dr. Rolly Cruz, QC Head Epidemiology, ang naturang bilang ng mga namatay ay mula sa 3,825 kaso ng dengue na naitala sa nabanggit na mga buwan.
Ani Cruz, ang naturang bilang ay mas mataas ng 107 percent kumpara sa nagdaang taong 2009 na pumalo lamang sa 1,843, gayunman umabot naman sa 87 ang nasawi sa kaparehong period. Kaugnay nito, nananatili naman ang Brgys. Gulod, San Bartolome, Culiat, Batasan at Bahay Toro na may pinakamataas na kaso ng dengue sa lungsod.
Nasa 10 pababa naman ang edad ng may pinakamaraming kaso na dinapuan ng sakit na dengue dala ng lamok-araw.
- Latest
- Trending