^

Metro

Pamilya Ampatuan idiniin pa ng isang testigo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isa pang magsasaka ang nagdiin kahapon sa pamilyang Ampatuan na siyang may kaga­gawan sa pagmasaker sa 57 katao sa pagpapatuloy ng pag­dinig ng patung-patong na kaso ukol sa Maguindanao masaker sa Quezon City Re­ gional Trial Court sa loob ng Camp Bagong Diwa, Taguig City kahapon.

Iprinisinta ng prosekusyon ang kanilang ikatlong saksi na si Abdul Abubakar Esmael, 42, ng Sitio Masilay, sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao sa sala ni Judge Jocelyn Reyes-Solis.

Sinabi ni Esmael na nasa itaas siya ng isang burol at iha­hatid sana ang mga aning mais sa gilingan nang masaksihan ang masaker. 

Sinabi nito na nakita niya si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na namu­muno at iniuutos sa mga arma­dong tauhan ang pagka­lad­kad sa mga biktima.

Pinahiga umano sa lupa ang mga biktimang umiiyak at nag­mamakaawa kay Am­patuan. Sunud-sunod na pi­nag­ba­baril umano ang mga ito nang ipag-utos ni Ampatuan.

Idinagdag pa nito na higit 100 umano ang arma­dong lalaki na sangkot sa masaker kung saan ang iba ay naka-uniporme ng pulis at ang iba ay nakasuot ng camouflage mi­litary uniform. 

Gumawa rin ng isang sketch si Esmael ng kanilang sitio upang ipakita ang lapit nito sa lugar ng masaker.

Napansin umano siya ni Am­patuan nang papaalis na siya at inutusan ang dalawang tauhan na pabalikin. 

Isa naman sa apat na lalaki na lumapit sa kanya ang pinaya­gan siyang makaalis dahil sa hindi naman umano ito sangkot sa insidente. 

Sinabi pa nito na agad silang umalis ng kanyang pa­milya sa kanilang tirahan at tumira sa tagong lugar dahil sa takot.

ABDUL ABUBAKAR ESMAEL

AMPATUAN

CAMP BAGONG DIWA

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

ESMAEL

ISA

JUDGE JOCELYN REYES-SOLIS

MAGUINDANAO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with