^

Metro

Huwes sa Lacson case hindi mag-iinhibit

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina ng  Manila Regional Trial Court (RTC) na hindi siya mag-iinhibit sa kasong double murder case ni dating Senator Panfilo Lacson.

Ito’ y kasabay ng  pagbabasura ni Medina ng Branch 18  sa  isinampang motion for inhibition ng kampo ni Lacson dahil sa kawalan ng merito.

“Illuminated by the foregoing jurisprudential principles and considering the factual backdrop of this case, this court hereby resolves to deny the motion for the voluntary inhibition of the acting presiding judge.” base sa 5 pahinang desisyon ni Bunyi-Medina.

Naunang naghain ng mosyon si Lacson at ilan sa mga akusado na naging bias umano ang hukom, matapos tang­gihan ang ilang  mosyon na inihain ng depensa.

Bukod kay Lacson, kabilang si Margarito Cueno, Crisostomo Purificacion, Rommel Rollan, Ruperto Nemenio at PO2 Thomas Sarmiento sa naghain ng mosyon.

Nabigo umano ang kampo ni Lacson na makapaghain ng ebidensiya na naging bias ang hukom, maliban lang sa inisyu niyang orders noong Hulyo 6 at Hulyo 23 na hindi pumabor kay Lacson at mga akusado.

BUKOD

CRISOSTOMO PURIFICACION

HULYO

LACSON

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARGARITO CUENO

PRESIDING JUDGE THELMA BUNYI-MEDINA

ROMMEL ROLLAN

RUPERTO NEMENIO

SENATOR PANFILO LACSON

THOMAS SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with