^

Metro

Apela ng bus companies sa number coding, ibinasura

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ang apela ng mga kom­panya ng bus na pagpapaliban sa imple­mentas­yon ng “number coding” na nakatak­dang ipatupad sa Nobyembre 15.

Sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino na bagama’t isa siya sa nag-apruba ng number coding sa mga bus, nasa kamay na umano ng Metro Manila Council na binubuo ng mga alkalde sa Metro Manila ang desisyon kung maipagpa­paliban ito.

Sa kanyang pagkakaalam, wala nang atrasan ang implementasyon nito kung saan kasama rin dito ang mga provincial bus na dumaraan sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ang mga apela o reklamo ay hindi na umano sa MMDA kung saan dapat itong ipa­rating sa MMC o sa mga alkalde ng lahat ng lungsod at munisipalidad sa Kamaynilaan.

Sa oras na maipatupad na ang programa, ang lahat ng mga pampasaherong bus na ang plate number ay nagtatapos sa 1 at 2 ay hindi na puwedeng paraanin sa EDSA sa araw ng Lunes, 3 at 4 sa Martes, 5 at 6 sa Miyerkules, 7 at 8 sa Huwebes at 9 at 0 pag araw ng Biyernes.

Kumpiyansa si Tolentino na makakatulong ito ng malaki para mapagaan ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA ang naturang pro­grama, kapalit ng ibinasurang odd-even scheme na umani ng katakot-takot na batikos.

BIYERNES

FRANCIS TOLENTINO

HUWEBES

IBINASURA

KAMAYNILAAN

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with