^

Metro

Boy nagbigti matapos ipatalo sa sabong ang pera ng amo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dahil sa takot at pagka­bahala na hindi na maba­ya­ran ang perang kolek­syon para sa kanyang amo ma­tapos na naipatalo sa sa­bong, nagbigti ang isang delivery boy kahapon sa lungsod Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Juanito Aguirre, 31, delivery boy ng mga assorted food product, at residente sa Banaba St., Brgy. Pa­yatas sa lungsod.

Ayon kay PO2 Rodel Da­pat, may hawak ng kaso, si Aguirre ay natagpuan ni Rene Maceda, pinsan ng kanyang kinakasama, ha­bang naka­bitin sa ka­wayang ki­same ng isang tin­da­han ma­lapit sa kanyang tinutu­luyan, ganap na alas-4:29 ng madaling-araw.

Bago ang insidente, Mar­tes ng alas-10 ng umaga ay pinuntahan umano ang bik­tima ng kan­yang amo at ki­nom­pronta sa perang na­ko­lekta nito na halagang P9,000 na hindi nito nire-remit.

Sinabi ni Dapat na naki­usap umano ang biktima sa amo na sasabay-sabayin na lamang ang pagre-remit kapag nakolekta niya ang pang-Martes na koleksyon.

“May kukolektahin pa kasi ’yung biktima ng pera nung Martes kaya pi­nakiusapan nito ’yung amo na isasabay na lang ’yung unang pera na halagang P9,000 para sa kabuuang P19,000 kaya napapayag ito (amo),” sabi ni Dapat.

Subalit, matapos na ma­kolekta umano ng biktima ang pera, ay itinuloy niya ito sa sabungan sa Antipolo City sa halip na ibigay sa amo, sa pag-asang dito na niya maku­kuha ang kaku­langan, ngunit nabigo itong manalo at ma­ubos ang nasabing pera.

“’Yung pagsasabong niya, ikinuwento sa atin ng kasama niya sa sabungan, kaya galing mismo rito ang impormasyon na natalo nga sa sugal ang biktima,” sabi pa ni Dapat.

Patuloy ang pagsisiya­sat ng CIDU sa naturang in­sidente.

vuukle comment

AGUIRRE

AMO

ANTIPOLO CITY

AYON

BANABA ST.

DAPAT

JUANITO AGUIRRE

RENE MACEDA

RODEL DA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with