209 pamilya sa Tondo, inilikas

MANILA, Philippines - Bagama’t hindi sentro ng bag­yong Juan, tinangay ng ma­tinding hangin nito ang ilang bahay sa  Baseco, Compound kahapon ng umaga kasabay ng paglilikas sa  may 209 pamilya sa mga sports complex sa Maynila. Nabatid na gawa ang mga bahay sa light materials kaya ma­bilis na nawasak ng bahag­yang hangin dala ng bagyong si Juan. Dahil dito, agad na nag­pasya  ang Manila  Social Wel­fare  Development  sa pamu­muno ni Jay dela Fuentes  na dalhin ang may  124 pamilya sa  Delpan Sports Complex ha­bang  84 pamilya naman sa  Baseco Covered Court. Ang mga apektadong pa­milya ay bibigyan ng supply ng  pagkain at mga gamot upang maiwasan ang pagkalat ng  sakit.

Show comments