209 pamilya sa Tondo, inilikas
MANILA, Philippines - Bagama’t hindi sentro ng bagyong Juan, tinangay ng matinding hangin nito ang ilang bahay sa Baseco, Compound kahapon ng umaga kasabay ng paglilikas sa may 209 pamilya sa mga sports complex sa Maynila. Nabatid na gawa ang mga bahay sa light materials kaya mabilis na nawasak ng bahagyang hangin dala ng bagyong si Juan. Dahil dito, agad na nagpasya ang Manila Social Welfare Development sa pamumuno ni Jay dela Fuentes na dalhin ang may 124 pamilya sa Delpan Sports Complex habang 84 pamilya naman sa Baseco Covered Court. Ang mga apektadong pamilya ay bibigyan ng supply ng pagkain at mga gamot upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
- Latest
- Trending