^

Metro

Presyo ng langis humagupit din

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kasabay ng paghagupit ng bagyong Juan, hinagupit din ng mga dambuhalang kompanya ng langis ang mga motorista nang ipinatupad ang pagtataas sa P.50 sa kada litro ng gasolina umpisa nitong Martes ng hating­ gabi. Dakong alas-12:01 ng ha­ting­gabi nang taasan ng P.50 ng Pilipinas Shell ang presyo ng kanilang gasolina at P.25 kada litro naman sa kerosene. Sinun­dan ito ng Petron Corp. at Chev­ron Phils. dakong alas-6 ng umaga ng kahalintulad na mga halaga at produkto.

Ang ginawang pagtataas ay labis na ikinagulat ng mga mo­torista dahil sa walang abisong ginawa ang mga ito habang wala ring mensahe sa mga mamahayag na dati’y ginagawa ng mga ito bago magpatupad ng price hike.

Kahapon ay nagpahiwatig na rin ang Eastern Petroleum at ilan pang maliliit na kompanya ng langis na susundan nila ang pagtataas sa presyo ng langis ng mga dambuhalang kom­panya bunga na rin ng patuloy na pagtaas ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunita na noon la­mang nakaraang linggo, Ok­tubre 12, ay nagpatupad na ng P1.25 kada litrong pagtataas ng gasoline at kerosene ang mga kompanya ng langis habang P1 naman sa diesel.

CHEV

DAKONG

EASTERN PETROLEUM

KAHAPON

KASABAY

MAGUGUNITA

PETRON CORP

PILIPINAS SHELL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with