Obrero binigti na, ginilitan pa

MANILA, Philippines - Binigti muna bago ginilitan sa leeg ang isang obrero ng mga hinihinalang kainuman nito, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Nakapulupot pa sa leeg ang isang lubid nang matagpuan ang biktimang si Edgar Gador, 40, karpintero, at naninirahan sa Kaolin St., Twin River Subd., Brgy. Parang, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman nga­yon ng pulisya ang dalawang kainuman nito na pinaniniwala­ang may gawa sa krimen. 

Sa ulat ng Marikina police, na­tagpuan ang bangkay ng bik­tima dakong alas-7:45 ng umaga sa ginagawa nilang bahay sa naturang subdibis­yon.  Nabatid na may sugat pa sa leeg ang biktima habang nag­kalat ang mga bote ng alak.

Ayon sa mga residente, huli nilang nakita na nakikipag-inuman sa mga kasamahan sa trabaho ang biktima sa gilid ng ginagawa nilang bahay.  Bigla na lamang umanong tumahimik hanggang sa madiskubre kina­bu­kasan ang bangkay ng bik­tima.

Show comments