Dalaga nakatakas sa kidnap

MANILA, Philippines - Nagawang maka­ta­kas sa kamay ng dala­wang kidnaper matapos na bu­ong lakas na man­laban at gumawa ng es­kandalo ang isang da­laga, kama­kalawa ng mada­ling-araw sa Para­ñaque City.

Nasa ligtas na kala­ga­yan na ngayon ang bik­tima na nakilalang si Rachel Mendez, 21, na nakaratay sa Paraña­que Medical Center dahil sa tina­­mong mga galos, sugat at pasa at trauma na dinanas sa insidente.

Sa ulat ng pulisya, pa­uwi na ng bahay sa may United Paraña­que Subd. ang bik­tima at naghi­hintay ng ma­sa­sakyan sa may Aguirre Avenue, BF Homes da­kong ala-1 ng ma­daling-araw nang biglang hu­minto sa kan­yang tapat ang isang brown na Toyota For­tuner. Dito lumabas ang dala­wang lalaki at sa­pilitan siyang ipi­nasok sa loob ng SUV.

Hindi naman nawalan ng loob ang biktima nang man­laban, pagsisipain ang mga suspek at mag­si­sigaw.  Dito nakakuha ng pansin sa mga duma­raang tao ang es­kan­da­long ginagawa ng babae sanhi upang pa­ka­wa­lan ito ng mga suspect at hayaan na lamang makalayo.

Natangay naman ng mga salarin ang pitaka ng biktima na naglalaman ng P4,000 cash at cell­phone na Sam­sung S-533 na na­iwan na sa loob ng sa­sakyan.

Ayon sa pulisya, po­sibleng panggagahasa ang motibo sa naturang tangkang pagdukot tulad ng nangyari noon sa Quezon Avenue sa Que­zon City na basta na lamang dinukot ang isang babae na nag­hihintay ng ma­sasakyan, dinala sa isang bahay at pini­lahan ng may anim na kala­lakihan.

Show comments