^

Metro

2 lasog sa motorsiklo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng da­lawang kalalakihan makaraang su­mad­­­sad ang kanilang sinasakyang mo­torsiklo at tumilapon sa kalsada sa lung­sod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na sina Jerome Santos, 33, binata; at Edison Humala, 23, binata; kapwa residente sa Ka­sun­duan St., Brgy. Batasan sa lungsod.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa kahabaan ng IBP Road harap ng Civil Service Commission, Brgy. Ba­tasan Hills sa lungsod, ganap na alas-3:30 ng ma­daling-araw.

Diumano, sakay ng isang motorsiklo ang dalawa at tinatahak ang naturang lugar nang biglang madulas ito at mag­pa­gulung-gulong.

Dahil dito, tumilapon sa motorsiklo ang dalawang biktima dahilan para humampas sa sementong kalsada ang kanilang mga katawan at magtamo ng matinding pinsala.

Nagawa namang saklolohan ang mga biktima ng ilang concerned citizen at itinakbo sa magkahiwalay na ospital ngunit kapwa idineklara ang mga itong dead-on-arrival.

AYON

BATASAN

BRGY

CIVIL SERVICE COMMISSION

DAHIL

DIUMANO

EDISON HUMALA

JEROME SANTOS

KINILALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with