Binata natagpuang patay sa CR
MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng pulisya matapos na matagpuan ang bangkay ng isang 23 anyos na binata sa loob ng comfort room ng inuupahang bahay nito sa Tondo, Maynila.
Sa ulat ni PO3 Jay Santos ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:30 ng gabi nang madis kubre ng isang Joy Lidero, ang bangkay ng biktimang si Ariel Delos Reyes, promodizer, ng no. 212 Sofia St., Balut, Tondo.
Ayon kay Lidero hindi niya inakala na may masamang nangyari sa biktima dahil nakabukas ang ilaw sa silid nito at patuloy umano ang pagpapatugtog sa kantang “Di lang Ikaw”,
Napuna din ni Lidero na nakabukas ang ilaw ng CR kung saan nakasubsob ang biktima at wala ng buhay.
Sinabi ni Lidero na huling niyang nakitang buhay ang biktima dakong 11:00 kamakalawa ng umaga na balisa at malalim ang iniisip.
Hinihintay naman ang resulta ng awtopsiya upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito dahil walang nakitang sugat o palatandaan na pinahirapan ito.
- Latest
- Trending