^

Metro

Trader, todas sa 2 holdaper

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang ne­gosyante makaraang pag­babarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na tumakas tangay ang bag nito na naglalaman ng pera, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Hindi na naisalba ng mga manggagamot sa Para­ñaque Hospital ang bikti­mang si Roben Magpantay, 53, at residente ng no. 25 A Reyes St., Purok 3, New Lower Bi­cutan, ng natu­rang lungsod.      

Sa ulat ng Taguig police, papaalis pa lamang ang biktima lulan ng kanyang motorsiklo (UE-3199) nang agad na tambangan ng mga salarin.  Nabatid na may ne­gosyong pagpapa­utang ng pera ang biktima.

Agad namang sumak­lolo ang mga kaanak ng biktima na nagsugod sa kanya sa pagamutan. 

Ayon sa mga kaanak nito, dala ng biktima ang ma­laking halaga ng salapi na ipinauutang nito sa kan­yang mga kliyente.

Malaki ang hinala ng pulisya na planado ang natu­rang panghoholdap at matagal nang minaman­manan ang kilos ng bik­tima.

Posible ding tiniyak la­mang ng mga suspect na makukuha sa anumang pa­mamaraan ang dalang bag ng biktima kaya’t mi­na­buting ratratin kaagad upang hindi pumalpak ang kanilang pang­hoholdap.

Samantala, isang ne­gos­ yanteng ginang din ang hinoldap ng limang arma­dong kalalakihan at na­tangayan ng higit sa milyong halaga ng tindang cell­phones at cash habang sakay ng kanyang Toyota Fortuner na inagaw din matapos ang insidente sa lungsod Quezon kama­kalawa.

Ayon sa QCPD-PS 7, nangyari ang panghoholdap sa bikti­mang si Fatima Tumawis sa may P. Tuazon St., Bgy. Kaun­laran ganap na alas-9:30 ng gabi.

Sinasabing papauwi na ang biktima kasama ang tatlo pa katao sakay ng Toyota Fortuner (NIR-719) nang harangin sila ng mga suspect at tutukan ng baril sabay deklara ng holdap.

Nilimas ng mga suspect ang dalang tatlong kahon ng cellphones na may kabu­uang halagang P2.5 milyon, at P950,000 cash, bago tuluyang tumakas, kung saan tinangay pa ang ka­nilang sasakyan.

Patuloy naman ang pag­tugis ng pulisya sa limang armadong suspect kung saan naiwan ng isa sa mga ito ang isang kalibre 45 baril na ginamit na armas sa pang­hoholdap sa biktima. (Dagdag ulat ni Ricky Tulipat)

A REYES ST.

AYON

BIKTIMA

FATIMA TUMAWIS

NEW LOWER BI

RICKY TULIPAT

SHY

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with