Dayo bugbog sarado
MANILA, Philippines - Mistulang nalantang gulay ang isang binata nang pagtripang kuyugin at bugbugin ng sampung kalalakihan matapos mapadayo lamang ang una sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.
Ginagamot ngayon sa Quezon City General Hospital sanhi ng matinding bugbog na tinamo ang biktimang si Adrian Bulabog, ng Bagong Silang ng nabaggit na lungsod. Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga pulis laban sa sampung hindi pa nakikilalang mga suspek na mabilis na nagsitakas makaraang kuyugin ang biktima.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng Camarin Road, Camarin, Caloocan City. Napadayo lamang ang biktima sa nabanggit na lugar at habang ito ay naglalakad, pinagtripan ito ng mga suspek.
- Latest
- Trending