Pulis itinumba sa inuman

MANILA, Philippines - Isang 36-anyos na pulis ang binaril at napatay ng hindi pa kilalang suspek habang naki­kipag-inuman kahapon sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si PO2 Eligeo Nevo, nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Camp Crame at nakatira sa .Brgy.Sto, Niño ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pamamaslang dakong ala-1:30 ng madaling araw sa tapat ng bahay ng biktima.

Kainuman umano ng bik­tima ang dalawang kapatid na babae na sina Esmerald Ca­lleha at Valentina La Estrella kasama ang live-in partner niya na si Annaliza Ronan nang sumulpot ang nag-iisang sus­pek na armado ng kalibre 45 baril at nakasuot ng bonnet.

Walang anu-ano ay agad na pinaputukan ng suspek sa ulo biktima at nang bumagsak ay tatlo pang magkakasunod na putok ang pinakawalan nito bago mabilis na tumakas.

Patuloy pa rin ang isinasa­gawang imbesti­gasyon sa kaso.

Show comments