^

Metro

Gapos gang sumalakay, kompanya nilooban

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Itinali na parang baboy   ang siyam na kawani matapos loo­ban ang isang kompanya ng sam­­pung armadong mga hol­daper­ hanggang tangayin ng mga ito ang payroll money na nagkakahalaga ng may P160,000, na ipapan­suweldo sana sa mga biktima,  kaha­pon ng madaling-araw sa Muntin­lupa City.

Kinilala ang mga biktimang sina Erwin Inco, 30; Pia Eusta­quio, 32; Fracesca Almonte, 25; Laarni Lourdes Lacdang, 33; Joana Raburar, 34; Mauseta De Luna, 31; Jemuel De Guit, 35; Mayrna Santos, 46 at Danny Yanoc, 35, pawang mga kawani ng RLMU Enterprises, na matatagpuan sa Alabang Warehouse Building, #8005, Don Jesus Boulevard, Alabang Hills Village, Muntin­lupa City.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Muntinlupa City Police laban sa hindi pa nakikilalang mga suspek .

Sa imbestigasyon ng pu­ lisya, naganap ang insidente dakong alas -12:05 ng madaling araw nang salakayin ng mga suspect ang nasabing kom­panya. Pagpasok ay agad na nagdeklara ang mga ito ng holdap at saka isa-isang itinali ang mga empleyado

Pagkatapos ay agad na kinuha sa cashier ang may P160,000 na pampasuweldo sa mga empleyado.

Ang ibang suspek naman ay kinukulimbat ang mga pera, alahas at cellphone ng mga biktima.

ALABANG HILLS VILLAGE

ALABANG WAREHOUSE BUILDING

DANNY YANOC

DON JESUS BOULEVARD

ERWIN INCO

FRACESCA ALMONTE

JEMUEL DE GUIT

JOANA RABURAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with