^

Metro

Paghahanda sa Super Typhoon Juan: Billboards sa MM binaklas na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Upang hindi na muling ma­ulit pa ang sakuna noong 2006 sa pananalasa ng bag­yong­ Milenyo na ikinasawi at ikinasugat ng ilang katao, ipinatanggal na kahapon ng National Disaster Risk Ma­nagement­ and Reduction Center­ (NDRMRC) ang mga billboards sa Metro Manila ka­ugnay­ ng pagtama ni Super Typhoon­ Juan.

Ayon kay NDRMRC Exe­cutive Director Benito Ramos, partikular na pinakilos ang  mga opisyal at tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagta­tanggal ng mga mapanganib na billboards.

“Pinatanggal na natin yung mga billboards temporarily para maiwasan na ma­­kadis­grasya pa ito ng mga civilians”, ani Ramos kaug­nay ng kahandaan sa pag­pasok ng naturang malakas na bagyo na inaasahang mag­dudulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan at hangin sa Metro Manila.

Kasunod nito, kinalampag naman ng DSWD at MMDA ang mga billboard owners at outdoor advertising companies upang boluntaryong alisin muna ang kanilang naglipanang mga billboards sa mga komersyal na distrito ng NCR. 

Ayon sa weather bureau, si Super Typhoon Juan na ina­asahang mararamdaman ang epekto ngayong araw (Oktu­bre 17) ay magla-land fall sa Lunes kung hindi mag­babago ng direksyon.

Binigyang diin ng opisyal na mas mabuti na ang umak­syon ng maaga para maba­wasan kung hindi man tulu­yang mapigilan na may mga taong masugatan at ma­sawi sa pananalasa ng ma­lakas na bagyo.

Samantala, sinabi pa ni Ramos na libu-libong re­servist ng AFP ang naka-standby na rin ngayon sa Camp Agui­naldo na nakahanda na rin ang rescue equipments tulad ng mga ambulansya, military trucks at mga rubber boats para tumulong sa rescue ope­ra­tion sa mga lugar na haha­gupitin ng bagyo sa NCR. 

AYON

CAMP AGUI

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DIRECTOR BENITO RAMOS

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL DISASTER RISK MA

RAMOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with