62-anyos lasog sa shuttle bus

MANILA, Philippines - Lasug-lasog ang katawan ng isang   62- anyos na babae nang masagasaan ng isang shuttle bus ng Negros Navigation sa panulukan ng Taft Avenue at Ayala Boulevard sa Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Elma Paraanda, residente ng Block 28, Phase II, City Homes, Langkaan, Dasmariñas, Cavite.

Dakong alas-5:30 ng hapon nang mahagip at tuluyang magulungan ang katawan ng biktima ng shuttle bus na may plakang CTY-806 na minamaneho ng driver nitong si Ernesto De Vera.

Sumuko na ang driver at inihahanda na ang kasong ihahain laban sa kaniya ng Manila Traffic Bureau.

Show comments