^

Metro

Retarded ni-rape sa CR ng DSWD-Manila

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na da­lagita na may kapansanan sa pag-iisip ang pinagsa­mantalahan sa loob ng comfort room ng Reception and Action Center ng Manila-Social Welfare and Development sa Arro­ceros, Maynila kahapon.

Dahil sa pagsusum­bong ng isang bata sa security guard na si Rommel Casiano, 36, nahuli sa akto ang gina­ gawang pangha­halay ng suspect­ na si Nino de Guzman, 26, may-asawa, na isa sa kinaka­linga ng RAC matapos damputin ng mga tauhan ng Manila-DSWD sa Luneta Park, habang natu­tulog noong Oktubre 12, 2010

Hindi naman makapag­salita ng normal ang bikti­mang itinago sa pangalang “Giselle”, na diumano’y kinalinga din ng RAC mula noong Oktubre 1, 2010 matapos i-rescue sa pag­gala sa kalye at ipinapa­gamot sa National Center for Mental Health (NCMH).

Sinabi ng sekyu na habang nagbabantay siya sa gate ng RAC, isang bata ang lumapit at isinum­bong na may lalaki at babaeng nasa loob ng CR dakong alas-10:30 ng umaga ka­hapon. Agad itong tinungo ng sekyu kung saan nakita nito ang mga nakasabit na damit sa pinto ng CR.

Pinasok ito ni Casiano at doon naaktuhan ang gina­ ga­wang panghahalay ng suspect sa biktima. Agad nitong binitbit ang suspect.

Hinihintay pa ang resulta ng medico legal exami­nation sa biktima habang na­kapiit na sa MPD-Integrated Jail  ang suspect na sasam­pahan ng kasong rape in relation to RA 7610 (child abuse).

ARRO

INTEGRATED JAIL

LUNETA PARK

MANILA-SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MENTAL HEALTH

NATIONAL CENTER

OKTUBRE

RECEPTION AND ACTION CENTER

ROMMEL CASIANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with