^

Metro

Kontrata ng nag-iimprenta ng A/D cards kinansela ng BI

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkansela ng kontrata para sa pag-imprenta ng kontro­bersiyal na Airport-Departure (A/D) cards matapos na madiskubre na walang bidding at hindi ito sumailalim sa review ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Immigration officer in charge  Ronaldo Le­desma, na makikipagpulong siya sa Airline Operators Council (AOC) upang hilingin sa grupo na bawiin ang mga naimprentang A/D cards.

Ang AOC ang siyang may hawak sa pag -iimprenta ng  libre ng mga cards hanggang sa pasukin ng BI ang isang exclusive contract sa loob ng 15 taon sa e.Xtend Inc. upang ma-imprenta ang mga cards noong panahon ng Arroyo government.

Sa nasabing kontrata pina­payagan nito ang e.Xtend, Inc na mag-solicit ng advertisements at mag-imprenta ng mga cards.

Dahil dito kaya’t inatasan na ni Ledesma si Atty. Arvin Santos, Chief ng BI airport operations division na kaagad magpadala ng pormal na abiso sa contractor na kina­kansela na nila ang kontrata ng A/D cards.

Nilinaw ni Ledesma na luma­labas sa resulta ng review ng kontrata sa e.Xtend’s na pinasok ni dating Immigration Commissioner Marcelino Liba­nan noong May 2009 ay hindi ito dumaan sa competitive bidding o sumailalim sa review ng DOJ na siyang isina­saad sa batas.

Bukod dito nabigo din ang e.Xtend Inc. na kumuha ng permiso  sa BI upang mag­lagay ng mga kontrobersyal na lara­wan  sa cards bago iim­prenta at ipamahagi.

Inihalimbawa ni Ledesma ang pag-imprenta sa card kung saan nakalagay ang larawan ni Pangulong Noynoy Aquino na kaagad nitong ipi­naalis at ang pinakabago ay ang larawan ni Dr. Vicki Belo.

AIRLINE OPERATORS COUNCIL

ARVIN SANTOS

BUREAU OF IMMIGRATION

CARDS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DR. VICKI BELO

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBA

LEDESMA

SHY

XTEND INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with