^

Metro

Mayor Cayetano kinasuhan ng BIR

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Naghain ng kasong tax code ang Bureau of Internal Revenue laban kay Taguig City Mayor Ma. Laarni Cayetano dahil umano sa pagkabigo nitong dinggin ang subpoena para iprisinta ang accounting records ng siyudad noong 2008.

Sa dalawang pahinang affidavit ng Quezon City prosecutors office, si Ca­yetano ang pina­ngala­nang respondent sa rek­lamo para sa paglabag sa section 5-c ng 1997 Tax Code.

Ang National Investigation Division ng BIR ang naghain ng reklamo nitong Miyerkules sa pamama­gitan ng kanilang revenue enforcement officers na sina Virma Clemente, Cas­sandra Añonuevo, Leo­nesto Bernal, Ferdinand Malonzo at Amelita Aquino. Si Cayetano ay sinam­pahan dahil sa kapasidad nito bilang chief executive ng pamahalaan ng Taguig City.

Sa kanilang affidavit, sinabi ng BIR na nagpa­dala na sila ng letter of authority na nag-aatas sa city government na payagan ang pagbasa ng kanilang books of accounts at iba pang accounting records para sa 2008 at hindi pa tiyak na taon.

Subalit, sa kabila ng dalawang notisya para sa presentasyon ng accounting rekords, ay hindi umano ito tumugon, para sa beripikasyon at eksa­minasyon.

Ayon sa  BIR, napili­tang mag-isyu ng subpoena duces tecum, para atasan ang mga taxpayer na iprisenta ang kaila­ngang talaan para sa kanilang beripikasyon. Ang subpoena ay inisyu noong Aug 6, 2010 sa pama­halaang bayan sa pama­magitan ni Cayetano, sa kanyang kapasidad bilang chief executive.

Sa ilalim ng batas, ang kabiguan para sundin ang patawag ng BIR ay may kaparusahang multa ng P5,000 hanggang P10,000 o pagkakakulong ng isa hanggang dalawang taon.

AMELITA AQUINO

ANG NATIONAL INVESTIGATION DIVISION

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

FERDINAND MALONZO

LAARNI CAYETANO

PARA

QUEZON CITY

SHY

SI CAYETANO

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with