^

Metro

Van salpok sa poste: 4 nursing studes patay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Apat na nursing student ang nasawi, habang dalawa pa nilang kasamahan ang nasa kritikal na kondisyon maka­raang sumalpok sa isang poste ang sinasakyan nilang van sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa mag­ka­ka­hiwalay na ospital ang mga biktimang sina  Devie Rose Kumar; Ron Mark Russel, 19; Mark Anthony Mis­­tudio, 17 at Ser Abuacan, 20, sanhi ng tina­mong ma­tinding pinsala sa kanilang ulo at katawan. Ang mga biktima ay pawang mga estudyante ng Fatima University.

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center ang dalawa pang biktima na sina Neil Carranza, 20 at Jomari Ivan Semolava, 18.

Sa imbestigasyon  ni SPO1 Benjamin Bautista, ng Caloo­can City Police, Traffic Enforcement Unit, naganap ang insi­dente dakong alas- 12:10 ng madaling-araw sa kahabaan ng Congressional Road, Barangay  171 ng na­sa­bing lungsod.

Kasalukuyang bina­bagtas ng  mga biktima ang naturang lugar sakay ng isang Mitsu­bishi Adventure (ZNZ-552) na mina­maneho ni Russel nang biglang sumadsad  sa gutter ang kali­wang bahagi ng gulong ng sasakyan.

Dahil sa bilis ng takbo ay nawalan ng kontrol si Russel sa manibela hanggang sa tuluyang bumangga sa sementadong poste ng Meralco na naging dahilan upang magpagulong-gulong ang naturang sasakyan.

Mabilis na isinugod  ang mga biktima sa magkaka­hiwalay na pagamutan su­balit hindi na rin umabot ng buhay ang apat dito.

BENJAMIN BAUTISTA

CALOOCAN CITY

CITY POLICE

CONGRESSIONAL ROAD

DEVIE ROSE KUMAR

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FATIMA UNIVERSITY

JOMARI IVAN SEMOLAVA

MARK ANTHONY MIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with