LBC branch nilooban

MANILA, Philippines - Dumaan sa lagayan ng aircon ang hindi pa kilalang mga suspek na nanloob sa isang sangay  ng LBC sa Navotas City  kahapon ng umaga. Nabatid kay Carmela Fermin, 23, costumer assistance ng LBC Navotas Branch na matatagpuan  sa kahabaan ng M. Naval st., Brgy. Sipac Almacen ng nabanggit na siyudad, dakong alas-7:00 ng umaga nang matuklasan nila ang naganap na panloloob. Nawawala ang P10,000 cash at tatlong mamahaling cellphone na nakalagay sa cabinet ng nasabing money transfer. Lumalabas na tinanggal ng mga suspek ang aircon ng nabanggit na tanggapan, kung saan dumaan papasok at papa­labas. Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente. (

Show comments