^

Metro

Tanggapan ng mga huwes, piskal sa Maynila binulabog ng 'bomba'

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nabulabog ang ikalawa at ikatlong palapag ng Manila City Hall makaraang makatanggap ng tawag sa telepono ang isa sa mga  staff sa office of the mayor kahapon dakong ala-1 ng tanghali.

Ayon sa mensaheng na­tang­gap mayroon umanong bombang nakatanim sa pali­kuran ng 2nd floor na naka­takdang sumabog dakong alas-2 ng hapon.

Idinagdag pa ng tumawag na mayroon ding nakatanim na bomba sa ikatlong palapag naman ng gusali ng city hall at alas-3 naman ito sasabog kung saan target nito ang mga huwes.

Binigyang diin pa ng tuma­wag na ang bomba ay hindi umano para kay Manila Mayor Alfredo S. Lim kundi para sa mga piskalya at judges.

Agad namang ipinagbigay alam ang tawag sa tanggapan ni Police C/Insp. Mar Reyes na kaagad namang nagpaikot ng mga bomb snipping dog sa kabuuan ng Manila City Hall. Dakong alas-4 naman ng hapon ng ideklara ni Reyes na ligtas ang buong city hall at sinabing ang tawag ay isa lamang prankcall.

AYON

BINIGYANG

DAKONG

IDINAGDAG

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO S

MAR REYES

NABULABOG

POLICE C

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with