^

Metro

Fire trucks na gawang Pinoy dapat tangkilikin

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - “Tangkilikin muna ang sa­riling atin, ito ang matibay na ipinahayag ng batas.”

Ito ang sinabi ni Gng. Maria Estrella Garcia ng Anos Research Manufacturing, ang nag-iisang local manufacturer ng modernong fire truck sa bansa.

Ginawa ni Gng. Garcia ang pahayag sa gitna ng usapin ng procurement ng Bureau of Fire Protection ng mga sasakyang pamatay-sunog.

Base sa pahayag ni Bureau of Fire Protection (BFP) chief General Rolando Ban­dilla, may kahilingan diumano ang mga BFP regional directors na bumili ng mga PTO fire trucks na mariin namang tinu­tutulan ni Garcia dahil na­nga­ngailangan ito ng pambili ng imported na fire trucks, at dahil wala namang PTO fire trucks manufacturer dito sa bansa.

Bukod sa mahal na piyesa ay walang after sales care at warranty, dolyar umano ang ipambabayad dito.

Matatandaang kinatigan ng 14th Congress ang naging procurement ng mga fire trucks ng BFP sa Anos research dahil ayon sa mga mambabatas legal at ayon sa batas ang natu­rang pagbili.

Ipinagmamalaki ni Garcia na bukod sa lifetime warranty, Pinoy design at invention din ang naturang mga fire truck na nagbibigay trabaho naman sa karamihang kababayan.

ANOS

ANOS RESEARCH MANUFACTURING

BUKOD

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FIRE

GARCIA

GENERAL ROLANDO BAN

GINAWA

GNG

MARIA ESTRELLA GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with