Local fire trucks ng bansa pasado sa technical standards ng BFP
MANILA, Philippines - Inamin ni Bureau of Fire Protection chief General Rolando Bandilla na pasado ang Anos Fire trucks sa technical standards and requirements ng kanilang kagawaran. Ito ay makaraang umugong ang isyu sa pagbili ng 2nd hand o surplus na mga fire trucks sa ibang bansa na mariing kinontra ni Bandilla.
Ayon kay Bandilla, labag sa batas ang pagbili ng surplus kaya siya mismo ang tututol sa hakbanging ito. Giit ng heneral mahigpit ang kanyang pamunuan pagdating sa mga technical specifications ng mga gamit sa pamatay-sunog at makabagong bumberong bibilhin ng ahensya, dahil sa bukod sa itinatadhana ng batas, buhay at ari-arian din ang nakatakdang ililigtas nito. Sinasabing ang Anos Research Manufacturer, ang nag-iisang local fire truck manufacturer sa bansa, na nakapasa sa standards na ipinapatupad ng BFP.
Magugunitang kinatigan ng 14th Congress sa isang congressional inquiry, ang firetruck procurement ng BFP sa Anos research, dahil bukod sa protektado ng batas, idineklarang nararapat, at legal ang lahat ng naunang pagbili ng fire bureau ng mga modernong fire trucks mula sa Pinoy company. Ayon sa house committee report 2672, rekomendado ng house committee on good government at ng house committee on public order and safety, na ituloy ng BFP ang naturang firetruck acquisition para matugunan din ang batas na nag-uutos na dapat ay mayroong isang modernong bumbero sa bawat bayan sa buong bansa.
- Latest
- Trending