^

Metro

Nahuling driver ng Ampatuan, itinangging may alam sa masaker

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tahasang itinanggi ni Moactar Daud, ang nahu­ling driver ng pamilya Ampatuan na wala siyang kinalaman sa naganap na masaker dahil sa matagal na umano siyang wala sa serbisyo nang maganap ang krimen.

Sinabi ni Daud sa pa­nayam ng mga mama­ma­hayag na dalawang taon na umano siyang umalis sa poder ng mga Ampatuan bago maganap ang ma­saker. Umalis umano siya dahil sa mababa ang kan­yang sahod na P4,000 lamang kada buwan.

Nagpasya umano siyang magtago nang makita ang kanyang la­rawan sa telebisyon na isina­sangkot sa masaker. Dahil sa wala umano siyang abogado ay nag­tungo siya sa kamag-anak sa Maharlika Village­ sa Taguig City kung saan nama­sada siya ng tricycle.

Inamin naman nito na kayang pumatay ng pamilya Ampatuan lalo na ang kanyang amo na si Andal Ampatuan Jr. kung may kapalpakan kang nagawa o kung masyado ka nang maraming nala­laman sa iligal na aktibidad ng pamilya.

Sa ngayon, handa na umano siyang humarap sa korte upang maipag­tanggol ang sarili dahil sa alam niyang wala siyang kina­ la­man sa naganap na krimen.

Dinoble naman ng Pasay City Police ang seguridad sa kanilang detention cell sa Station Investigation and Detective Management Section kung saan nakaditine si Daud. 

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN JR.

DAHIL

MAHARLIKA VILLAGE

MOACTAR DAUD

PASAY CITY POLICE

SHY

SIYANG

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with