^

Metro

Kahit singko, Lim hindi gagastusan ang pills, condom

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na hindi siya maglalaan ng anumang pondo para sa pagbili ng mga contraceptives na kinabi­bilangan ng pills at condom.

Sa pagbubukas ng President Corazon C. Aquino Public Market sa Baseco, Port Area, sinabi ni Lim kahit singko ay hindi niya pagla­laanan ang pagbili ng mga contraceptives para sa family planning.

Ayon kay Lim, mas na­naisin pa niyang pondohan ang edukasyon dahil mas kaila­ ngan ito ng mga naka­raraming Manilenyo.

Kasabay nito, sinabi ng alkalde na hindi makikialam ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa usapin ng reproductive health bill kasabay ng pahayag na dapat lamang na sundin ng bawat Filipino kung ano ang sinasabi ng kanilang relihiyon at ng kanilang mga paniniwala.

Sinabi ni Lim na hindi pang­­hihimasukan ng city go­vern­ment ang paniniwala ng bawat tao o panghihikayat ng sinu­man dahil ang bawat Filipino ay may kani-kaniyang pag-iisip

Aniya, hindi pupuwedeng makialam sa relihiyon ng bawat tao. ”Kung ano ang itinuturo ng Katoliko, di naman pupu­we­deng ipilit na sundin ng Pro­testante, in the same breadth na ’di rin pupuwedeng ipilit ng Protestante na gayahin sila ng taga-Iglesia ni Kristo,” ani Lim.

Giit pa ni Lim na hindi ma­aaring pilitin ang sinuman dahil mas alam ng may kata­wan at may pamilya kung ano ang ma­kabubuti sa kanilang pamu­muhay.

ANIYA

AQUINO PUBLIC MARKET

AYON

BASECO

GIIT

MANILA MAYOR ALFREDO S

PORT AREA

PRESIDENT CORAZON C

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with