Port operator kinasuhan ng BIR

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion ang isang port operator dahil sa pag-isnab na bayaran ang buwis noon pang 2005.

Kinasuhan sa DOJ ang Golden Dragon International Terminals­ Inc. at presidente nitong si Pablo L. R. Ronquillo.

Ang Golden Dragon ay isang domestic corporation na may tanggapan sa Rm. 208 Champ Building, Anda Circle, Port Area, Manila na ang negosyo ay may kinalaman sa construction, maintenance, at operasyon sa ports, port facilities, port phy­sical plants at lahat ng mga kagamitang gamit sa daungan.

Sa record ng BIR, ang Golden Dragon ay may hindi pa nababayaran na may halagang P15,349,800.61

Ang Golden Dragon ay pang-11 na sa mga kumpanyang kinasuhan ng BIR.

Show comments