^

Metro

Pabrika ng pekeng pera nilusob, 3 timbog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nalansag ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang sin­dikato na gumagawa at nag­papakalat ng mga pekeng pera sa pagkakadakip ng uma­­no’y mastermind at dalawang miyembro nito, sa isinagawang pagsalakay ka­makalawa ng gabi, sa Para­ñaque City.

Kinilala ni NBI Director Magtanggol Gatdula ang sinasabing may-ari ng CBLINGSHERS Printing Services na si Jemsher Velasco, 31, ng 316 Quirino Ave., Don Galo, Parañaque City; Fre- delyn Arones, alias Arcie, 25, waiter, ng Zapote, Las Pinas City;  at John Arnold Munoz, 30, estudyante ng San Dionisio, Parañaque City.

Ang mga suspek ay isi­nailalim sa surveillance ma­tapos makakuha ng impor­masyon hinggil sa nagkalat na pekeng P200 at P500 bills. Agad isinagawa ang test buy ng NBI sa pamumuno nina Regional Director Constantino Joson, hepe ng NCR at Atty. Rustico Vigilia, hepe ng NBI Calabarzon.

Sa pagsisiyasat, natukoy nila ang pinagmumulan o pabrika ng nasabing pekeng pera kaya agad sinalakay ang printing shop ni Velasco kung saan siya inaresto kasunod ng pagkakadakip din kina Muñoz at Arones na nagbenta ng pekeng P200 sa halagang P50. Habang ang P500 sa halagang P200.

Nakumpiska ang 120 piraso ng P200 bills at mga P500 bills na tinatayang nasa P35,000.  

Ipinasuri din sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga nasamsam na pera at nag­labas naman ng sertipikasyon na counterfeit bills ang mga narekober ng NBI.

Ipinagharap na ng kasong paglabag sa Articles 176 (Manufacturing and possession of instruments or implements for falsification), 168 (Illegal possession and use of false treasury or bank notes and other instruments of credit) at 166 (Forgery) ng Revised Penal Code sa Parañaque Prose­cutor’s Office.

ARONES

BANGKO SENTRAL

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

DON GALO

JEMSHER VELASCO

JOHN ARNOLD MUNOZ

LAS PINAS CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PRINTING SERVICES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with