^

Metro

Chairman tinambangan, 'di napuruhan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Masuwerteng nalusutan ng isang 62-anyos na baran­gay chairman ang banta ni ka­matayan nang makaligtas ba­gamat nagtamo ng dala­wang tama ng bala sa kali­wang ba­likat at kanang siko, nang pag­babarilin habang nag-iins­peksiyon ng drainage sa kani­yang nasasakupan sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Ginagamot ngayon sa Mary Jhonston Hospital ang biktimang si Barangay 20, Zone 2 District 1 Chairman Viviano Navarra, ng Purok 1, Isla Puting Bato, Tondo.

Inatasan na ni Supt. Fer­dinand Quirante, hepe ng Manila Police District-station 2, ang kanyang mga tauhan na tugisin ang hindi nakilalang suspek na armado ng kalibre .38 baril na nakatakas mata­pos ang pamamaril.

Naganap ang insidente dakong 6:45 ng umaga, sa Gate 10 Area B Parola Compound.

Habang nag-iinspeksiyon ng mga drainage system ay nilapitan si Navarra ng suspek at walang sabi-sabing pinag­babaril bago humarurot sakay ng isang walang plakang motorsiklo.

Agad siyang isinugod sa Gat Andres Bonifacio Hospital bago inilipat sa Mary Jhonston Hospital.

Ani Quirante, maaring may kaugnayan sa pulitika ang pananambang o di kaya’y galit ng mga residente sa kanilang chairman nang magsagawa sila ng saturation drive noong Huwebes sa Isla Puting Bato, kung saan may 40 katao ang dinampot na karamihan ay may kaugnayan sa iligal na droga.

ANI QUIRANTE

AREA B PAROLA COMPOUND

CHAIRMAN VIVIANO NAVARRA

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

GINAGAMOT

HABANG

ISLA PUTING BATO

MANILA POLICE DISTRICT

MARY JHONSTON HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with