^

Metro

Ginang ni-rape, pinatay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang ginang na hinihi­nalang biktima ng pang­gagahasa ang natagpuang patay sa isang madamong bahagi ng Diosdado Maca­pagal blvd. sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala sa pamamagitan ng anak na si Jodelyn, 19, ang biktima na si Jovita Evan­­ge­lista, 45-anyos, ng 704 Apelo Cruz St., naturang lungsod.

Bukod sa pagkakapu­lupot ng sinturon sa leeg, may tama pa ng saksak at palo sa ulo ang biktima na sanhi ng kamatayan nito. Nakalilis rin ang pantalon at panty nito kaya hinihinala rin na gina­ hasa ito.

Sa inisyal na ulat ng Pasay police, dakong ala-1 ng ma­daling-araw nang makarinig ang mga resi­dente ng Muslim area mala­pit sa kanilang mosque ng pagsigaw ng sak­lolo ng isang babae.

Ayon kay Abdelmanan Tanandatu ng naturang lugar, agad nilang pinun­tahan ang pinanggalingan ng paghingi ng saklolo at nakita nila ang tatlong lalaki na tumatakbo palayo. Hindi na nila nahabol ang mga salarin na hindi rin nila namukhaan.

Nakuha naman ni Insp. Marlyn Mondian, ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang cellphone na nakaipit sa loob ng bra nito kaya nagawa nilang makontak ang anak ng bik­tima na si Jodelyn.

Sa imbestigasyon, ina­min ni Jodelyn na sangkot ang kanyang ina sa ben­tahan ng iligal na droga sa lungsod kaya maaaring may kaugnayan dito ang pag­patay sa kanyang nanay.

vuukle comment

ABDELMANAN TANANDATU

APELO CRUZ ST.

AYON

DIOSDADO MACA

JODELYN

JOVITA EVAN

MARLYN MONDIAN

PASAY CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with