Milyong halaga ng kemikal sa paggawa ng shabu nasamsam

MANILA, Philippines - Tinatayang milyong halaga ng mga kemikal sa paggawa ng shabu ang na­samsam ng tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang pagsalakay sa isang warehouse nito sa Malolos City, Bulacan, iniulat kahapon.

Ayon kay PDEA Director General/Senior Undersecretary Dionisio R. Santiago, ang operasyon ay ginawa upang tugisin ang isang Alexis Chua, na umano’y nangungupahan sa aban­donadong warehouse na matatagpuan sa Phase 5-C, Block 46, Lot 4 Grand Royal Subdivision, Brgy. Pinagba­ka­han, Malolos City, Bulacan.

Nasamsam sa naturang lugar ang 27 kahon na naglalaman ng mga asul na lata na may liquid chemicals, 5 kahon na may 12 botelyang nagla­la­ man ng 200 ml kada isa at isang kahon na may tig-sampung 200 ml na botelya na nagla­laman ng isa pang uri ng kemikal.

Ang naturang substances ay sang­kap umano sa paggawa ng mil­yong halaga ng shabu.

Show comments