Milyong halaga ng kemikal sa paggawa ng shabu nasamsam
MANILA, Philippines - Tinatayang milyong halaga ng mga kemikal sa paggawa ng shabu ang nasamsam ng tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang pagsalakay sa isang warehouse nito sa Malolos City, Bulacan, iniulat kahapon.
Ayon kay PDEA Director General/Senior Undersecretary Dionisio R. Santiago, ang operasyon ay ginawa upang tugisin ang isang Alexis Chua, na umano’y nangungupahan sa abandonadong warehouse na matatagpuan sa Phase 5-C, Block 46, Lot 4 Grand Royal Subdivision, Brgy. Pinagbakahan, Malolos City, Bulacan.
Nasamsam sa naturang lugar ang 27 kahon na naglalaman ng mga asul na lata na may liquid chemicals, 5 kahon na may 12 botelyang naglala man ng 200 ml kada isa at isang kahon na may tig-sampung 200 ml na botelya na naglalaman ng isa pang uri ng kemikal.
Ang naturang substances ay sangkap umano sa paggawa ng milyong halaga ng shabu.
- Latest
- Trending