^

Metro

Matataas na armas na nasabat sa Tsino may 'konek' sa terrorist?

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakikipag-uganayan ngayon ang Homeland Security of the United States sa Philippine Na­tional Police (PNP) ukol sa nakumpiskang 12 Indo­nesian-made Galil assault rifles sa isang Chinese national sa Las Piñas City na posible uma­nong may kaugna­yan sa terorismo.

Sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Director Leocadio San­tiago Jr. na nais malaman ng Homeland Security kung normal na export ang mga baril buhat sa Indonesia, ninakaw sa warehouse o iligal na ipina­sok sa Pilipinas.

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang NCRPO sa mga awtoridad ng Indo­nesia upang mabatid ang pinagmulan ng natu­rang mga armas na na­kum­piska buhat kay Her­bert Tan Tiu, 43, na­ngu­ngupa­han sa #1-C Do­minic St., Metro­cor South­gate, Brgy. Talon 3, Las Piñas.

Nananatili naman uma­­nong tikom ang bibig ni Tan Tiu sa pagkakaki­lan­lan ng sinasabi nitong kaibigang dayuhan na nagpabantay sa kanya ng mga baril at siyang tunay na rumerenta sa apart­ment na kanyang tinutu­luyan.

Nabatid naman na ang mga naturang armas na nakumpiska dito ay ang “Israeli-type na Galil rifles” na ginagawa sa Indonesia. 

Nangangamba ang Homeland Security na maaaring matagal nang nagaganap ang pagpa­pa­lusot ng armas at buma­bagsak sa kamay ng mga terorista.

Nakipagkoordinasyon na rin ang NCRPO sa Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) upang ma­batid kung ginagamit ang naturang uri ng mga armas ng mga teroris­tang Abu Sayyaf at iba pang grupo.  Nakikipag-ugna­yan na rin sila sa Philip­pine Coast Guard upang ma­laman kung bahagi ang mga baril ng nakum­pis­kang “ship­ment” ng armas sa Mari­veles, Ba­taan noong naka­raang taon. Nakuha sa M/V Cap­tain Ufuk ang 54 na Galil rifles na nag­ka­kahalaga ng P25 milyon.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHI

C DO

GALIL

HOMELAND SECURITY

LAS PI

NAKIKIPAG

SHY

TAN TIU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with