^

Metro

Illegal recruiter, tiklo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Ipinadampot ng may 15 biktima ang illegal recruiter na kanilang minanmanan sa loob ng buong magdamag matapos ilang ulit silang paasahin na makapagtatrabaho sa bansang Egypt, kamakalawa ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Hindi na iniwan ng mga biktima hanggang sa masampahan ng reklamong paglabag sa large scale illegal recruitment at estafa sa Manila Prosecutor’s Office ang suspect na kinilalang si Arlene Olarte, alyas Ola, 53, ng Malate, Maynila.

Kamakalawa ng hapon ay nagtiyagang bantayan ng mga biktima ang suspect at dakong alas-5:30 na ng umaga nang madakma ito ng mga miyembro ng Manila Police District-General Assignment Section(MPD-GAS) sa tanggapan nito sa Malate, Maynila.

“Ilan buwan din kaming pinaghintay niyan tapos hindi naman kami nakaalis… ang iba sa amin nag-resign pa sa trabaho. Maraming opportunity ang nasayang sa amin,”anang isang biktima na kinilalang si Edison Aguilar.

Hiningian umano sila ng suspect sa magkakaibang halaga mula P9,000-P75,000 bilang processing fee at iba pang doku­ mentasyon para makapagtrabaho sa Egypt at inasa­han nila ito hanggang sa bigyan sila umano ng flight details. Bigo silang maka­alis nang maberipika na wala ang kanilang mga pangalan hanggang sa pangakuan sila muli na hindi na umano natupad. Kasalukuyang nakapiit sa MPD-GAS ang sus­pect na tu­mangging magbigay ng pahayag sa media.

ARLENE OLARTE

BIGO

EDISON AGUILAR

HININGIAN

ILAN

IPINADAMPOT

KAMAKALAWA

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MANILA PROSECUTOR

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with