Patay na baby sa arinola, ipinaanod
MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hinihinalang inilaglag na sanggol na babae na isiniksik sa isang arinola ang natagpuan na lumulutang sa ilog ng Marikina, kahapon ng madaling-araw.
Dakong ala-1 ng madaling-araw nang maiulat ang pagkakatagpo sa bangkay ng sanggol sa loob ng pulang arinola na binalutan ng packaging tapes.
Ayon sa nakadiskubre na si Conrado Cruz, naglalakad siya sa gilid ng ilog sa may Brgy. Barangka nang makita ang arinola na lumulutang at kanyang sinungkit.
Bumulaga sa kanya ang walang buhay na sanggol na ipinagpilitang isiksik sa arinola.
Ayon sa pulisya, posibleng kalalaglag lang o kaaanak lang sa sanggol dahil sa malambot at medyo mainit pa ito nang matagpuan.
Hinihinala naman na malapit lang sa lugar nakatira ang walang pusong ina ng sanggol.
- Latest
- Trending