Paslit hulog sa ilog, lunod

MANILA, Philippines - Patay ang isang tatlong taong gulang na batang babae nang aksidente itong mahulog sa ilog matapos itong iwan ng kanyang ina sa kanilang bahay na balsa para maghanap ng  kanilang makakain kamakalawa sa Navotas City.

Patay na nang matagpuan ang biktimang si Rossana Marie Lasaca, nakatira sa Babanse St., Brgy. NBBS, ng nabanggit na siyudad matapos itong malunod.

Nabatid,  na  natutulog ang paslit nang iwanan itong mag-isa sa kanilang bahay ng kanyang inang si Rosemarie, 32 upang maghanap ng kanilang makakain. Makalipas ang ilang oras, pag­balik ng  ginang ay wala na ang kanyang anak, kaya’t nag­tanung-tanong ito sa kanyang mga kapitbahay.

Isang kapitbahay ang nagsabi sa ginang na nakitang lumu­lutang ang biktima sa isang maruming ilog.

Nagtulung-tulong ang mga kapitbahay nito para iahon ang bangkay ng naturang paslit.

Show comments