Binata pinagtatrabaho ng ama, nagbigti

MANILA, Philippines - Matapos na pangaralan ng kanyang ama na mag­hanap ng trabaho, wina­kasan ng isang 18-anyos na binata ang sariling buhay nang magbigti sa gilid ng kanilang bahay, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Patay na nang madis­kubre ng kanyang mga kapitbahay ang nakabiting katawan ni Arjay Faraon, ng Ventanilla St., Pasay. Gumamit ang bik­tima ng mahabang sintas ng sa­patos na isinabit nito sa na­kausling kahoy sa bubu­ngan ng kanilang bahay sa isinagawang pagpapaka­matay.

Kaagad na kinalag nina Rosalinda Valdez at Mi­chael delos Reyes ang naka­pulupot na tali sa leeg ng biktima na isinugod pa sa Pasay City General Hos­pital si Faraon subalit hindi na umabot pang buhay.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, sinabi ng ama na si Mang Artemio, 61, na kan­yang pinangaralan ang anak ukol sa pagiging tambay nito.  Pinagsabihan nito ang anak na magha­nap na ng sariling trabaho dahil sa hindi na niya kaya itong bu­hayin pa dahil sa kanyang karam­daman.

Hindi umano akalain ng matandang Faraon na sa halip na magsilbing hamon ay mas pipiliin pa ng kan­yang anak na tuluyang lumisan sa mundo sa halip na mag­tiya­gang mag­hanap ng trabaho.

Show comments