^

Metro

Pagbili ng mga surplus na firetrucks binatikos

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dismayado ang mga reti­ra­dong opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa uma­no’y planong pagbili ng kaga­waran ng depektibong fire trucks na sinasabing luma na at hindi na akma sa kasaluku­yang kalagayan ng bansa sa larangan ng pamatay sunog.

Binigyang diin ni dating BFP chief General Enrique Linsangan, representante ng Retired Fire Fighters Associa­tion of The Philippines, ang ka­walang kakayahan ng nasabing mga truck para sa agarang pagresponde sa lumalalang klase ng insidente ng sunog.

Sinabi ni Linsangan, ang mga bibilhing truck ay guma­gamit lamang ng single engine na pambomba o guma­gamit ng direct drive. Mayroon anya tayong pro­dukto sa bansa na mas epek­tibo kaysa sa mga itinapon na lang sa atin.

Dahil naging bihasa bilang driver at pump operator ng pamatay sunog, mariing tinututulan ni Linsangan ang pagtatapon ng surplus fire­trucks galing Thailand at Malaysia sa ating bansa.

Dagdag ni Linsangan ang mga second hand PTO fire trucks mula Thailand at Indo­nesia na bibilhin ay may one-vehicle-one-pumper engine na mabilis na masira o ma­wasak.

Kinukwestiyon din ng dating opisyal ang alokasyon para dito na maaari anyang ma­pakinabangan para sa pagsasaayos ng mga truck na ginagamit ng mga kasaluku­yang departamento ng pama­tay-sunog sa bansa.

BINIGYANG

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAGDAG

DAHIL

DISMAYADO

GENERAL ENRIQUE LINSANGAN

LINSANGAN

RETIRED FIRE FIGHTERS ASSOCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with